Blog Version 12:
Butterflies/Flutter
10:36 PM
May 04, 2004
Kamusta mga kaibigan!!! :)
Note:
>Hi Stacy! Ang cool talaga ng mga GIFs mo!! Idolo na kita! Kailan ba tayo sunod na magkikita? Gusto kong mag-trade ng mas marami pang pics! At gusto ko din ipakita ang drawings...pero di ako sigurado kung magugustuhan mo...pero kahit na! Ikaw ay naging importanteng bahagi ng pag-drawing ng fanfic at wala akong balak ibahin iyon! (^-^)V PS. Nakita ko din ang Star Lay-out para sa blog mo, ang cute!!! :)
>Hi rin kimmy! Sorry hindi ko alam ang blog address mo, kaya wala kang link... pero sabi ni sig ok lang dahil ayaw mo naman ng mga link...Salamat sa pag-bisita! Natuwa ako sa mga tag mo, at sa tag ng lahat din! :D Tag lang kayo ha!
>Tracy...balita ko gusto mo si...si...si Kame sa Kattun...ok lang... siguro...inaamin ko na ok naman din siya......Oo na, ok din sya! >_< Anyway, bisita ka kay vigile kasama ni Kimmy at Stacy at Selda, tapos marathon tayo ng VCD/DVD! Kung gusto mo, Kattun na din...
>Yo Ginji/Ban!!! (Wow, may part II pa ang note ko sa dalawang ito! :)) Wanderer pa rin ako! Hehehe... Bumisita ako sa TUAZ, nagustuhan ko talaga ang bagong logo ninyo ni Ginji!!! Pero di ko parin gets ang mane na TUAZ... pero aliw naman sya. :)
>Sig, MAG-TENNIS KA NA!!! Hindi na uli sina France mag-tetennis... At least makikita ka namin araw-araw, if ever. ^-^ Ah, at na-download ko na pala ang songs ng get backers sa loob ng oras na iniiyakan at ginugulo ko ang html code ng blog na ito. Ilang oras din yon, kasi lagi kong binabalik sa dati at...ewan... kailangan ko ng matuto..T-T Ah, at imbitado ka din sa Marathon! :) Ah, and about the tag, it's the thought of staying forever through my words and thoughts that's an illusion, not the proof (my thoughts and words?) of being alive at this point... sorry, i guess i just don't make sense. u_u
>Vigile, salamat sa tulong mo sa Tag Board ko... :) Sana isang araw, maging kasing galing din kita sa html. IDOLO NA RIN KITA!!!! At sorry nga pala na inimbita ko ang lahat ng tao sa bahay mo...^-^ masyado ata akong natuwa na makita sila... hehehe... sorry...u_u Oh, and about the tag, i'm not a mere illusion...I'm also a Genjitsu! A reality! *proud* :) Hehehe...
>Rico, hindi ko inaasahang bibisita ka dito, pero salamat sa iyong pag-bisita... :) Kulang nalang ang blog ni selda noh? :)
>Selda... mag-blog ka na rin! Para gumawa ulit si stacy ng GIF para sa iyo... hehehe...
>Mia, kung mapadpad ka man dito...sabi ng tennis classmate ko ang ganda daw ni Xyra, ung drawing mo nga ay pinag-pasapasahan na namin nina sig at vigile eh...pero sa aming tatlo lang naman ata... he...^-^'
Anyway, sa mga bumisita at nag-tag, salamat sa pagbisita! Napasaya talaga ako! :) :) Medyo nahihiya nga ako dahil ang ganda ng mga blog ninyo! Di nga ako marunong maglagay ng pics o kahit ano tungkol sa html... siguro nga, wolf ako in the way siggy means... Oh well! Pero masaya parin ako dahil meron na akong blog! Matututo din ako! kahit papaano, magagawan din yan ng paraan!!!
Anyway... Updates naman ulit:
UNA! Life updates!
>Well, susubukan ata namin ni vigile ang mag-advanced placement...Naku! Kailangan ata akong mag-aral para don... T-T
>Sa May 7 ko na malalaman ang College Sched ko!! Sana classmates kami ni vigile sa mga pinili namin, pinaghirapan din namin ang pag-pili ng mga timeslot na pareho...>_<
>Speaking of May... May 3 ang birthday ng isang dating kaibigan ko, nakalimutan ko siyang i-greet...haaay!...ang bait pa naman ng pamilya nya... ok lang siguro. u_u
>Mahirap mag-tennis...ngayon, malungkot na din ata (save for vigile!)... waaah!!! Bakit pa hindi natuloy sina France! Well, at least magagamit ko na ang racket ni Bianca. Baka mabawasan ang sakit ng aking kamay (di sa hindi maganda ang racket mo vigile, gustong-gusto ko nga ang racket na iyon eh...ngalang di pa ata handa ang kamay ko...> T-T
>...At kung wala si France, di na rin tuloy ang plano na mapangiti-ngiti ang isa kong kaklase...
>Nadownload ko na ang ibang songs ng get backers at gto!!! kulang nalang ay ung song ng Clamp school na may "Peony Pink" sa chorus!
>Stupid viruses are gonna help me get sig's cpu and all the nice things inside it!!! ^-^ SAYA!!! Apparently, the saying: "there are two sides in every coin" is really more than just literal! :D
>I miss the kada! Kailan ba tayo mag-kikita sunod? Dapat kasama ang lahat, kahit mag-karaoke tayo, ok lang...kahit ano... T-T
>Grabe na ito, hindi ko parin tapos ang Lestat! Shame...
Ikalawa, "fanfic update"
>...At muli, dahil wala na si France sa Tennis, pwedeng mag-drawing si Vigile habang nag-lalaro ako!
>Napakita namin kay sig ang drawings, at sabi niya gwapo daw si Ferendil! O_O (I wanna add something in relation to kadsuki... %(^_^)... but sig might just send over Akabane...(_/^\)... to kill me, so wag nalang...T.T )
>At lumabas din ang tanong na: "Anong klaseng twins ba sina Dae at Cel? Identical ba o fraternal?"
>Ano nga ba? Kung fraternal nga sila, eh di hindi kagandahan si Celsete, noh?
>Pero tuloy pa rin ang pag-drawing! :) Btw, ok lang sig na mag-comment ka. Mas nakakatakot kng nakataas ang kilay mo at masama ang tingin mo sa drawing...^-^
Ikatlo, "couch potato update"
>Nabanggit ko ba dati na napanood ko ang episodes nina Madoka at Shido nung Sunday? Gusto ko sila!!! T-T
>gumawa ako ng kadsuki at akabane icon habang inaaway ko si Sig tungkol kay Juubei... (hey Vij, nahawa ata ako sa iyo...^-^)
>napanood ko na ang Kattun episode na napanood ni Tracy... medyo alam ko na kung bakit nya gusto si Kame...Pero Jin/junno pa rin ako! (sorry vij, hindi tumaas si Kame, pero di naman din sya bumaba sa episode...(^-^)V)
>Ang cute ni Jin sa skit, parang anime sya na nag-da-drama sa isang sulok at nakiki-epal kay ... gasp...Kame... grumble...>_<
>Nakakatuwa ang placard na TAG 23??? Ano uli number non Vigile?? Oh, well... Nagustuhan ko ang episode, pati ang Takki at Tsubasa song mo Vigile. :)
>Napanood na din ni Bianca ang Kattun eps at kilala na niya si "Ahiru!" at si "Neko!" Nakita din niya ang tatlong shonen club members na nag-pa-pa-alala sa akin ng buong trio...^-^
Well...Sana binasa parin ninyo ang entry na ito kahit sobrang haba na niya. Ako nga medyo ayaw ko nang basahin ulit, kaya pasensya kung may mga typo.^-^ Di bale, iikli din yan habang tumatagal. Sorry din na papalit-palit ang lengwaheng ginagamit ko... di na ako natuto...
come fly ~ gen
Messages:
click the button tag to refresh this faulty thing. ^^;
Lists:
My Dragon Eggs
Sig's Eggs