Blog Version 12:
Butterflies/Flutter
12:01 PM
June 05, 2004
blog! Yes, nakabili na ako ng internet at celphone card. Tapos naka-uwi na sina Sig at Vigile ngayon. Nahanap ko pa ang Suiko cd ko! Ang saya! :D Tapos naisip ni Bianca magdrawing ng mga Knight Hunters ngayon at binigay nya sa akin pagkatapos. Swerte ata ako ngayon eh, kahit wala pa rin akong magawa at malungkot pa rin at umuulan. :D
Hindi rin ako pupunta sa aking piano lessons ngayon. (YES!!!)
Ung mga drawing na bigay ni Bianca, halos lahat Omi. Ang cute talaga. May ginuhit siya na puro SD ni Omi na naglalaro ng playstation at ang cute kasi may mga frames sa likod na pinapakita si Omi bilang si Crash Bandicoot na tumatalon sa mga kahon, ung bida ng Dino Crisis na tumatakbo sa dinosaur, at si Ken ng Street Fighter na Kini-K.O. si Ryu. :)
Tapos, ung suiko cd, nahanap ko habang hinahalungkat ang mga lumang notebook ko... (paano kaya napunta doon yon... -_-) Buti na lang nahanap ko siya. Sa sobrang desperado ko, inisip ko na ngang bumili ng bagong CD non eh. Ilang araw na kasi siyang nawawala. Sa sobrang kuripot ko, naisipan ko pa ring bumili ng bago. Grabe na...
Haaay! Medyo sumisikat na ang araw sa aking buhay... (Ano bang nangyayari sa akin at kung anu-ano ang pinagsasabi ko? @_@) Sana matuloy ang all-girl gimmick na dapat sana last week. Talagang inaabangan ko yon, kasi yun na medyo ang huling pagkakataon na magsamasama uli tayo bago mag-pasukan ulit.
come fly ~ gen
Messages:
click the button tag to refresh this faulty thing. ^^;
Lists:
My Dragon Eggs
Sig's Eggs