Blog Version 12:
Butterflies/Flutter
1:49 PM
June 09, 2004
Blogging.... Marami akong naiisip at naaalala ngayon...
Alam nyo, naisip ko lang na nakalampas na ng isang taon mula ng nagsimula ang Meteor Garden Phenomenon. Ngayon wala na ito. Naaalala ko pa mga isang taon na ang nakararaan na noong kaarawan ko, masayang binabanggit ng iba't-ibang tao na birthday na din ni Vic ng F4. Maganda naman talaga ang Meteor Garden eh, ngalang masyadon ata siyang nauso, at nakababaliw sa inis ang kwento ng MG2, medyo. :) Wala lang.
Naalala ko din na dapat tatalakayin ko sa huling blog entry ko ang tungkol sa stalker ni Vigile. *Triumphant trumpeting* MAY STALKER NA DIN SI VIGILE! SA WAKAS! :D :D :D :D :D :D Siguro ikukwento ito ni Vigile sa blog nya, kasi siya din ang nagsabi sa akin na ilagay ko ito dito eh. Nandun kami sa bahay ni Sig non, pagkatapos ng aming mahabang lakad... At may proof pa si Vigile na meron ngang nag-hack sa account niya... *gasp*
Alam nyo ba, kahit saan ako magpunta, nagdadala ako ng kapiraso ng aking pagka-miriam student. Hindi, hindi ang "Tatak Miriam", kundi ang mahiwagang Miriam Socks! :D
Ginawan ko ng anime cd si Vigile kapalit ng Kattun cd na ibibigay niya sa akin (para la ng bayad! :D). Ang dami kong nadiskubreng mga lumang kanta tulad ng sa GateKeepers, Escaflowne, CyberTeam in Akihabara, atbp. Miss ko na ang mga anime na yon... lalo na nang marinig ko ang mga kanta nila... TuT (Sana nagustuhan mo ang cd, Vigile, kahit baka hindi talaga maganda ang ibang mga kanta, biased lang siguro ako...)
Gagawan din ako ng Green Phoenix Pendant ni Vigile! :)
Yun lang... ata...
Mga nangyari sa aking kaarawan:
Kahapon ng birthday ko, dapat sana ay bibilhan ko ang sarili ko ng magandang regalo, para kahit pa minsan naman ay hindi ko kuriputan ang sarili ko at maging maluho ako para sa aking sariling kasiyahan... di ko nagawa kasi nakalimutan ko nung nasa Megamall na kami.-_- Nanood kami ng Harry Potter ng mga pinsan ko. Pareho pa rin ang mga paborito kong mga karakter, hindi ko nalang babanggitin para di gaanong nakakahiya. :)
May regalo sa akin si Sig! Isang love triangle para kay Deepscar! ^_^ Sinabi kasi ni Sig na gusto niya ang Deepscar/ Axyll pairing at pagkatapos ko siyang takutin *cough* sabi niya na siguro pwedeng bigyan ng love triangle si Deepscar. :) Nag-drawing din ako ng picture ni A/D na magkasama.
Sa UP naman tayo dumako...
Gusto ko bumili ng planner sa school, pero di ko maabutan ang mga nagbebenta. Ano ba yan. May estante na nga sila sa aking building na headquarters din nila, pero wala pa rin! >.<
Meron Yahoo! Group ang block ko. Grabe... Don sa group na iyon, may photo album pa ng mga digi-cam pictures ng first day namin, pero hindi ako marunong mag-access... labo ko talaga.
Meron nga rin palang buddy-system sa BA, ang mga freshmen ay may isang assigned na ate/kuya na senior para pwedeng magpatulong sa kahit ano. Swerte! Mabait yung ate ko... ata. Parang. :)
May mga PhD akong mga guro... at kailangan ko kumuha ng tempo ID para pumasok sa library... Gastos! Pero napapadalas ang paglalakad namin ni Vigile sa UP campus kasi paubos na ang coins namin pang-commute. Papayat talaga kami!
Inapakan ang aking pagkatao kanina... mukhang hindi na ata kami si Vigile nararapat sumali sa Geek Club... binagsak namin ang Physics test namin kanina... :( Kahiyahiya, pero mahirap talaga siya eh. TnT
Nakakita kami ng mga Miriam Student sa UP kanina... si Andoi, si Ben, si Chubby at si Didang. Medyo mas sumasaya ako kung ganon...
Naligaw ako sa loob ng Palma hall... Grabe, isang lugar na nga lang, naligaw pa ako. >.< Pero okay lang kasi sa aking paglilibot, nakahanap ako ng anime store sa loob ng building. Saya! At marami pang iba, pati nga mini-bookstore eh... :)
Yun lang... sigurado...
Paalam sa ngayon....
come fly ~ gen
Messages:
click the button tag to refresh this faulty thing. ^^;
Lists:
My Dragon Eggs
Sig's Eggs