Blog Version 12:
Butterflies/Flutter
7:28 PM
June 22, 2004
Hay naku! Kay tagal ko nang hindi nag-b-blog. Anyway, simulan natin sa june 10.
>Binigyan ako ni Vigile ng isang birthday card! Nakakatawa ang mga nakasulat, pero para simple, ang pinakatinukoy nito ay ang aking pagka-kuripot at nakasualt din don na manlibre daw ako... ang wierd, pero nilibre ko nga sya sa araw na yon. Pero hindi ko nabasa ang card hanggang gabi. Naisipan ko lang na manlibre... Timing talaga... nagkataon na kung kailan ako nagkaroon ng card na nagsasabing manlibre ako, don pa ako nanlibre kahit hindi ko alam na yun nga ang nakasulat sa card. Naku! @_@ Ilayo nyo sa akin ang mga card na humihingi ng libre, gumagana sila sa akin! TnT
>Nagpa-re-copy ako ng ibang mga baguio pics namin ng trio! Ang saya, ginawa ko pang wallet size ang isa kaya't meron na akong picture sa wallet ko... :) Nakuha ko na rin ang nawawalang x-mas studio pic ng kada, at nakadisplay din sya sa wallet ko. :D
>Nagkaroon din ako ng "Raise" sa aking allowance dahil mahal lumibot sa UP. Limang piso bawat sakay ng dyip. Grabe... (Pero hindi pa nyan talo si Tracy. Si tracy mga 40+ araw-araw sa pag-commute lang...
>Grabe, lagi nalang ako late sa Arnis class ko... at pakiramdam ko magkaka-muscles na rin ako dahil dito. Medyo masakit sya sa braso dahil ngawit na ngawit na ako sa exercises. Ang layo pa ng tinatakbo ko, (parang warm-up exercise ko na rin yon...) pero late pa rin ako! TnT Mula third floor, bababa, tapos takbo sa kanto, sakay ng dyip at maghihintay, tapos lakad nanaman at akyat sa 3rd floor. Late ako lagi at baka ma-drop ako kung nagpatuloy 'to.... TnT
>Masaya ang Soc Sci classes ko. Para syang fusion ng lahat ng Social Sciences. Masaya. At swerte ako kasi ang reporting namin ay by group, ung class ni Bong individual tapos ung class ni Ben naman by pair. (Bong & Ben= High school classmates)
>Nung isang linggo ata, pumunta kami ni Sig sa bahay ni Vigile at nag-party!!! :D Masarap ang pagkain ni Vigile... at miss na ng bahay nya si Stacy... si Sig din, pero dahil napadpad na si Sig don, hindi na uli. :D
>Grabe ako mag-procrastinate... kung anu-ano na ang ginagawa ko para makaiwas sa pag-aaral. (Smacks self) Mali yun! Baka bumagsak ako kung naging pabaya ako... T_T
>Parang exams sa UP araw-araw (except for tuesday night kasi walang pasok sa wed. :D) Kailangan talaga mag-aral dahil maliit ang mga klase kaya't malaki ang possibilidad na matawag para mag-recite. (Kanina sa Soc Sci, napunta ako sa isang malas na upuan kayat lagi nalang ako at ang isa ko pang katabi natatawag... Ok lang, may recitation points naman...) Pero ayaw ko talagang mag-recite! >.<
>Vigile! Nakalimutan natin i-pa-xerox ang Logic book!!! @o@ Sa thursday na ang Logic class!
>Nagkaroon kami ni Vigile ng napaka-proggresive staff meeting at may binitawang pangako si Sig sa amin na tumigil muna sa RO para gawin ang fanfic. :D Yay!!!
>Nga pala, yung Yamino Tatsu, Yakumo Tatsu pala. Niloko ako ni France. >.<
>Nga pala, niloko din ni France si Vigile sa MSN... -_-...
>Nanood ako ng Kattun at nakakatawa ung mga nangyari. Sobrang natuwa sina Bianca at France, inaway pa ako nang napindot ko ang remote at nawala sa screen sina Jin... -_- Nalungkot nga lang ako medyo dahil wala si Taguchi... TnT
>Nga pala, nasabi ko na ba na sumakit ang kamay ko sa English 10? Ito ang weird...Kasi pinasulat kami ng isang essay on poverty na may kasamang 2-level sentence outline (*Gasp* Fermin!). Grabe! Pagkatapos ko isulat ang draft at ang final copy, namanhid talaga ung daliri ko at kahit dalawang araw pagkatapos nito ay masakit pa rin siya. Labo. Siguro kasi masyado akong madiin magsulat kaya't may naipit na ugat... -_-. (At alam nyo ba, dalawa lang sa buong klase ko ang nakagawa ng tamang outline, 5 nakagawa, pero medyo may konting mali, lahat ng iba hindi alam kung ano ang outline! @_@ Biro mo, may seatmate ako na galing atang St. Scho at tinanong pa nya ako kung paano gumawa non. @.@ 2 lang nakagawa ng tama, at sa malas, hindi ako kasama don. Pero okay lang kasi kasama ata ako sa 5 na marunong gumawa. Paano kasi, ung iba kong santences, phrase pala. -_-" *Shame... Shaaammmeee...*)
>Nanood din ako ng Arjuna. Malalim na anime... Medyo namulat niya ang aking mga mata tungkol sa kalikasan. Nakalimutan na daw kasi natin ang mamuhay kasam ng kalikasan dahil masyado tayong nabulagan ng mabilis na pag-asenso at iba pang "short-term pleasures". Nakakalungkot panoorin, pero maganda din naman siya...
>Nga pala, may fan art na ang Pheonix Pendant fanfic namin. Poems, specifically... Hintayin nyong i-up-load ni Vigile tapos basahin nya at kung ma-inspire kayo, gawa din kayo. :)
>Gumawa na din ako ng Handeis drawing, at nalapit na i-post ang mga bagopng chapters! Marami ring dagdag sa site, (bisita kayo) baka magkaroon na rin siya ng bagong lay-out. :)
>Nga pala, nung isang araw, nagtipon-tipon ang mga taga Miriam sa isang table sa main lib... Ako si Tanya Q., si Andoi, si Chubby, at si Vigile. :D Saya! Para kaming may Miriam Org na may Miraim Table. :)
>Marami pala atang mga payo si SIr Fermin tungkol sa mga dapat salihang Org sa UP.
>Nakakita ako ng isang kanta na kinanta ng mga bida ng Knight Hunters at ng Gensomaden Saiyuki. Nakakatuwa kasi medyo kilala ko ang mga boses nila at nalalaman ko kung sino ang mga kumakanta. :) Description nga nya sa winamp ID nya ay: "All eight guys! *drool*" -_-" Hindi ko alam kung sino nagbigay ng ID na iyon. Pero ok naman din ang kanta. :D
>Kailangan ko ng payong. Gusto itim. :)
>nagsimula na ang Wimbledon ni Vigile! Kahapon, June 21! :) (Nakahanap nga pala si vigile ng proof na malas nga talaga ang #22) ^_^
Hmmm... alam ko marami akong nakalimutan dahil matagal na akong di nag-b-blog. :(
come fly ~ gen
Messages:
click the button tag to refresh this faulty thing. ^^;
Lists:
My Dragon Eggs
Sig's Eggs