Blog Version 12:
Butterflies/Flutter
11:58 AM
June 05, 2004
Kamusta! Heto, sa sobrang wala akong magawa, nag-sulat nalang ako para sa aking blog kahit wala akong internet card. Timing talaga. Naubos pagkatapos ng huling entry ko. Kaya kahit ngayon ay Hunyo 02, 2003, malamang iba ang petsa na nakasulat sa taas.
Kaya heto ang mga pangyayari sa aking mga huling araw bago pumasok muli sa eskwela:
Una, ubos na ang prepaid ko para sa celphone! Ngayon, ubos na din ang prepaid internet card ko!
Ikalawa... Hay! Naka-isang araw na ako na wala ang Get Backers. Napakalungkot kasi yon na nga lang ang pinapanood ko sa telebisyon tapos wala na siya. Kaya ngayon ang aking mga araw ay puno ng 1) pag-laro ng playstation, 2) pag-gamit ng computer at 3) pag-drowing. Papalit-palit lang yon. Buong araw. TnT Malas nga eh kasi sa gitna ng mga ito, kumakain ako. (oo, bottomless pit ako... -_-) Kaya't kailangan ko ring hugasan ang kamay ko lagi. Papasmahin ata ako. Nararamdaman ko na nga ang kakaibang sakit eh... Paano naman, grabeng trabaho ang ginagawa ng mga kamay ko, kahit tatlong bagay lang naman ang ginagawa ko sa isang araw. Nag-type ako ng mga phoenix pendant chapters, nag-edit at sinubukan ang aking galing sa paggawa ng Computer graphics (hehehe, salamt kay Vigile at Tracy, malas lang na di gaanong magaling ang estudyante nila, siguro pag-nagsanay pa ako lalo. ^-^) Nga pala, nadiskubre ko na masaya pala ang spider solitaire. :) Pero paborito ko pa rin ang Freecell. :)
Ikatlo! Sa drawing, grabe, ang ganda talaga ni Daespora! Kahit anong gawin ko kay Celeste, hindi nya maabot-abot ang ganda ng kanyang kambal. Kawawa... Sabi kasi ni Sig gawin kong kulot ang bangs niya, pero ang hirap talaga... TnT. Pinag-aaralan ko na ang mga paraan ni Mia at ni Bianca sa pag-drawing, (Hehehe... swerte, may dalawa nanaman akong magaling na mga guro...) at tsaka ko napansin na hindi ako marunong magdrawing ng tao na tama ang "Proportion" ng katawan. Di na nga rin ako ata marunong magdrawing ng taong nakaharap, period. TnT Pero okay lang kasi natututo na uli ako... :D
Ikaapat, umalis kahapon sina Bernice at France patungong Boracay. Lalong naging malungkot sa bahay namin... umuulan pa lagi. Hay! Una sina Sig at Vigile, ngayon sina France at Bernice. TnT Isa pa kina Vigile at Sig, di sila nag-rereply pag-tinext ko sila... kinakalimutan na ata nila ako... TnT
Ikalima. Pinagalitan ako nina Mommy dahil hindi daw ako nag-e-exercise. Tapos hindi ko daw inaasikaso ang driving ko. Ano ba kaya ang magagawa ko? Wala akong student license at wala akong driving lessons at wala akong taga-turo mag-drive at wala akong kotse. Inalam ko naman ang mga kailangan kong alamin eh, tulad ng mga requirements, atbp. Malas talaga.
Ikaanim! Nung monday, nakanood ako ng Shrek 2! Masaya siya at nakalabas pa ako kasama ng mga pinsan ko bago sila magpunta ng Boracay. :D
Ikapito: Nawala ko ang cd ng Suiko 2!!! TnT TnT TnT TnT TnT Waaahhh! Sayang, malapit ko na nga yon matapos eh! Nakumpleto ko pa ang aking mga 108 stars of Destiny!! (Salamat Tracy! ;D) Biro mo, 108 na mga tao, nahanap ko lahat at nasama sa aking army. Mahirap yon. Waaahhh!!! Final battle na nga yata eh... malas. Dahil doon, naglalaro nalang ako ng X/1999 na fighting game. Okay siya, marami na akong points para ma-unlock ang mga magandang larawan ng mga karakter nito. At gumagaling na rin ako. (Paano ba naman, halos yun lang ang ginagawa ko araw-araw. -_-) Kaya ko nang talunin ang kalaban sa ilalim ng 10 segundo, kung gamit ko si Kamui o kaya si Karen! Natapos ko na din ang dalawang ending nya. :D Alam nyo ba na nagkaroon ako ng "Blister" sa aking kaliwang "thumb" dahil sa video game na ito. Wierd nga eh, kasi hindi naman ginagamit ang directional buttons sa game na ito, o sa madaling salita, hindi naman talaga ginagamit ang daliring iyon. Pero sigurado akong galing doon yon, pinipindot ko pa rin kasi ang mga arrow sa controller eh. Labo...
Ikawalo. May konting construction sa bahay namin, kaya't hindi ko marinig lahat ng mga kantang nakalista sa winamp...pero tumitigil din naman ang inggay.... Kung malala naman ito pwede akong magtago sa kwarto. Doon may radyo at merong mga CD na may mga magandang kantang mapakikinggan..
Ikasiyam... Halata bang wala akong magawa sa buhay? :) (Bitter smile...) Okay lang din, kasi marami akong nadiskubre sa aking mga mababaw na ginagawa. :) At mabuti na rin na ganito kasi sa susunod na linggo, siguradong mauubos ang oras ko sa pag-aaral. Sana hindi, pero ganyan talaga ang buhay. -_- Sa tingin ko marami akong bagong napapansin dahil wala akong masyadong magawa at madalas akong mag-isip nalang habang nakatunganga. ^-^". Ewan ko ba.
Pasensya na kung puro TnT at reklamo ang inabot nyo sa pagbasa ng blog ko. Wala na talaga kasi akong magawa at malapit na ang pasukan at umuulan ngayon kaya't nalulungkot ako.... Pasenya na.
come fly ~ gen
Messages:
click the button tag to refresh this faulty thing. ^^;
Lists:
My Dragon Eggs
Sig's Eggs