Blog Version 12:
Butterflies/Flutter
8:38 AM
June 27, 2004
Wow, ito na siguro ang pinakamaaga kong entry... teka nga... *yawns*
Anyway, lumabas kami ni Tracy at Kimmy kahapon. Tama, kaming tatlo lang. Sabi nga ni Tracy parang dati daw na kami daw ang kanyang mga kasama... Bigla ko ngang naalala kahapon na kasama pala ako sa Handsome Flower Blossom Trio (tama ba ang order ng words? Sorry! ^_^). Dati kasi akala ko kinick-out na ako nila Kimmy at pinalit sa akin si Kuya Mikkie. *sniffs* (Bigla ko ring naisip na gusto ko atang bilhin ang cds ng Fruits Basket para hindi ko na makalimutan ang mga laman nito. TuT)
O, heto ang mga nangyari kahapon:
>Obviously, hindi ako naka-pag-aral kahapon. Pero okay lang kasi kasalanan ko yun. (Nanood ako ng TV at may maganda kasing palabas sa HBO) -_-" At ngayon naman ako magsisikap. Ang dami ngang nakasulat sa to-do-list ko eh: Mag-basa sa Soc Sci, Magbasa sa English 10, Mag-aral sa Math 17, Isulat ang chapter ni Celeste (pero ung huli, huli ko talagang gagawin. Nawala ko kasi ang sinimulan kong bagong chapter nya eh.) Ah, at i-edit ung chap na bigay ni Vigile (pero di siguro ngayon, next week nalang kung kailan Soc Sci exam ko... -_-" Hindi, ibang linggo na nga lang ulit... pero mukhang physics exam... X_x Wag ko nalang isipin!)
>Ako'y kuripot na bottomless pit!!! Kahapon, nang magkita-kita kami sa BigR, plano sana namin kumain sa KFC at mag-usap-usap. Pero nanghinayang kami dahil mahal (actually ako lang ata. ^_^) Kaya't kumain nalang kami ng murang 6 peso icecream!
>Sa sobrang kuripot, naisipan nalang namin pumunta sa bahay ni Tracy, pero dahil daw baka walang pagkain sa bahay nya, nakaisip ng magaling na plano si Kimmy at nag-grocery nalang kami. ^_^ Grabe, ang inggay namin sa grocery. ^_^ Tapos, nakabili si Kimmy ng mga cute na cornflakes na may larawan ng lion, panda, momiji, squirrel (?) at tsaka nga oso. (Oso ba yun o daga? @_@)
>Si Tracy naman ay bumili ng Kropeck na niluluto at pagdating sa bahay nya, nagpakabusog kami! ^_^ Nakakatuwa kaming magluto ng Kropeck. Master Cooking People na kami ngayon! Master Kropeck Cookers! ^_^ (Take-turns kasi kami mag-fry kaya lahat kami ay umakyat ang rank at mas gumaling dito.... Mwahahaha! *u*) Ung unang batch kasi medyo sunog (medyo lang) ang naluto namin, pero nung nagtagal, gumaling na kami at may teamwork pa! ^_^ Kumain din kami ng hash brown at ng popcorn. (Ung popcorn na niluto ni Tracy hindi pa mircowaveable, manual talaga. Pero masarap. ^_^ O nga pala, masarap din pala ang kropeck na may hasbrown topping.) ^_^ Kumain din kami ng dalawang packs ng cornflakes tsaka isang malaking Kornets. Ahh... Abundance...
>Ahh, at ang labo ng jeans ko. Minamadali kasi ako ng mga magulang ko na umalis kayat hindi ko nafold ay isang leg ng pantalon ko. Nakakahiya. Isa nakafold palabas, at isa hindi. u_u. Pero wala naman sigurong makakapansin non... *shame on me*
>Nga pala, may Princess Diaries 2 na movie at sabi ni Tracy panoorin daw natin. Gusto ko ring manood ng King Arthur at Secret Window. Daming movie poster sa Big R! Ung isa nga eh, hindi daw pantay ang *Tuuut*. Pero di ako nagsabi non. ^_^V
Basta, ang SAYA talaga. Ulitin natin uli sa ibang araw! *u* Kasama naman ng ibang miyembro ng kada! ^u^ Panibagong karanasan itong gimmick na ito... pati na ang ROTC! Saya pala siya. ^_^
Anyway, ito naman nung friday:
>Naglakad-ulit kami ni Vigile at bumisita kay Sig. Kinulit namin sya at nagpaawa kaya pinatake nya sa amin ang RO test (na magsasabi kung ano ang bagay sa iyong job sa RO, la lang. ^_^) Nakuha ko *gasp* Swordie? Si Vigile Acolyte. *Aww...* Si Sig daw archer nung una eh...
>Niregaluhan din namin si Sig ng button pin na naglalanam ng aming pasasalamat at mithiin para sa kanya... Hindi nya nagustuhan at gusto pa nyang ibalik kay Vigile. *sobs in some dark and cold corner*
>Nag-homework ako sa bahay ni Vigile kasi kailangan namin gawin ang isang pairwork-homework sa physics. Nakakatuwa siya, pero ayoko atang maka-date si Oblation... -_-" Nagdate din si Quezon at si Liberty, Si Apo at si Eiffel, si Taal... (?) Alam ko malabo, pero sclang exercise-homework lang naman sya...
>Dahil nasa bahay ako ni Vigile, nanood ako ng Wimbledon. Natalo si K_R_A at Miss K__A (?) Sorry di ko alam ang spelling ng mga pangalan nila. Pero mas naiintindihan ko na ang tennis ngayon, ang scoring, ang rules. Tama pala si Coach Elmer na dapat kaming manood ng mga laro. Pero masaya lang sya kung may kakampi kang tennis player na gusto mo talagang manalo. Boring kung hindi eh, parang nanood ka lang ng bola pabalik-balik. ^_^
>Sorry Vigile na-nag-tagal ako sa bahay mo... baka yun ung dahilan na nagkasakit ka... T.T Dahil dito, may regalo kami ni Tracy para sa iyo... Sa Monday nalang ha! ^_^
NGA PALA: IMPORTANT NOTICE!!!!
>Maraming tao sa bahay ko at pag-nag-internet sila, lahat ay nag-lo-log-in as GEN sa MSN. (Wow, rhyming ata yun). Kaya kung di kayo kausapin ni "Gen" ibig sabihin hindi ako yun at i-close nyo nalang ang window. TY!
come fly ~ gen
Messages:
click the button tag to refresh this faulty thing. ^^;
Lists:
My Dragon Eggs
Sig's Eggs